Posts

Showing posts with the label tula

Poem about coming back to God (TAGALOG)

Image
"Muli" Iba nanaman ang pinta ng iyong mukha Tila ba may problema na napakalala Di mo ba pansin ang iyong panlalamig? Pati salita Niya'y di mo na iniibig Sana nama'y iyong alalahanin Pananampalataya mo'y tinatangay na ng hangin Sasama ka ba sa ihip ng hangin At kalimutan ang tunay mong hangarin Siya ang daan, liwanag at ang buhay Kung ikaw ay nanlulupaypay Magtiwala ka at sa kaniya magpagabay Tiyak na ang buhay mong matamlay Ay muling magkakaroon ng kulay Alam mo ba na hinihintay ka Niya Na muling magbalik sa Kanya Na muling maglingkod sa Kanya Kaya wag kang mawalan ng pag-asa Dahil si Jesus ang ating pag-asa