Resting in His Presence
![Image](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjmymzE26AN2KPO8aDlxHsED-f-agwZpL4PbBQK8jqwebdecIL5c6oM1rYW9NbWFmTnbeXgxD3xDUITWW5HTV06_rKiObaD4y30EbXyJgtIh6KL2QiiICYyXM2RiIsWZgtPp0iwobroGBA/s320/Resting+in+his+presence.png)
Welcome to my blog where we can have a wonderful chit-chat together! Whether you're looking for tips, stories, inspirationals, or simply want to share experiences, this is the perfect place for you. I cover a wide range of topics including Christian life, travel, foods, and job-related insights. Join me as we explore the world, seek spiritual growth, and find inspiration in each other's stories. Let's connect and share the joys and challenges of life together.
"Muli"
Iba nanaman ang pinta ng iyong mukha
Tila ba may problema na napakalala
Di mo ba pansin ang iyong panlalamig?
Pati salita Niya'y di mo na iniibig
Sana nama'y iyong alalahanin
Pananampalataya mo'y tinatangay na ng hangin
Sasama ka ba sa ihip ng hangin
At kalimutan ang tunay mong hangarin
Siya ang daan, liwanag at ang buhay
Kung ikaw ay nanlulupaypay
Magtiwala ka at sa kaniya magpagabay
Tiyak na ang buhay mong matamlay
Ay muling magkakaroon ng kulay
Alam mo ba na hinihintay ka Niya
Na muling magbalik sa Kanya
Na muling maglingkod sa Kanya
Kaya wag kang mawalan ng pag-asa
Dahil si Jesus ang ating pag-asa
Comments