Posts

Showing posts with the label poetry

Resting in His Presence

Image
Just sharing this message from our prayer meeting. ♥️ Matt 11:28-30 28 “Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. 29 Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will find rest for your souls. 30 For my yoke is easy and my burden is light.” Resting in His Presence 1. Come to me (Invitation) Kapag pala pagod tayo, number 1 na gusto ni Lord na pumunta tayo sa Kanya. - Minsan nauubos na energy natin sa ibang bagay, pero di natin magawang pumunta sa ating Lord. - We will come to the Lord because we know who He is. - Don't forget the phrase "Come to Me" sa tuwing may pinagdadaanan tayo 2. Weary and Heavy laden Cause: Heavy laden- something is bothering you (Maaring regret, sin, sama ng loob, basta negative things) Effect: You will be weary (magiging pagod ka dahil sa mga ganyang bagay) If may nararamdaman ka na problema, come to Jesus.  Kasi... 3. I will give you rest - Rest na galing kay Lord.  - Rest n...

Poem about serving God (Tagalog)

Image
    "Nais ko"  Ohh Hesus, salamat sa buhay na walang hanggan  Sa pag-ibig at katapatan Mo magpakailanman  Dahil sa'Yo ako ay nagbago  Kaya't handa akong mamuhay para sa'Yo  Oh Hesus, walang kabuluhan ang buhay ko  Kung hindi ako maglilingkod  sa'Yo  Aanhin ko pa ang yaman sa mundo Kung di ko madadala sa oras na kunin Mo ko  Nais kong maglingkod sa'Yo  at iproklama ang pangalan Mo  Na Ikaw Hesus ang dakilang tagapagligtas ng mundong ito    Nais kong ipahayag sa mundo  Na Ika'y namatay doon sa krus ng kalbaryo  At sabihin sa mga tao ang muli Mong pagkabuhay  Na may pag asa kaming makapiling Ka habangbuhay  Di ko magagawa ito, kung di ko isusuko Mga pangarap ko  at sarili kong plano  Ang tanging nais ko  Ay masunod ang dakilang plano Mo

Poem about coming back to God (TAGALOG)

Image
"Muli" Iba nanaman ang pinta ng iyong mukha Tila ba may problema na napakalala Di mo ba pansin ang iyong panlalamig? Pati salita Niya'y di mo na iniibig Sana nama'y iyong alalahanin Pananampalataya mo'y tinatangay na ng hangin Sasama ka ba sa ihip ng hangin At kalimutan ang tunay mong hangarin Siya ang daan, liwanag at ang buhay Kung ikaw ay nanlulupaypay Magtiwala ka at sa kaniya magpagabay Tiyak na ang buhay mong matamlay Ay muling magkakaroon ng kulay Alam mo ba na hinihintay ka Niya Na muling magbalik sa Kanya Na muling maglingkod sa Kanya Kaya wag kang mawalan ng pag-asa Dahil si Jesus ang ating pag-asa