Poem about serving God (Tagalog)
"Nais ko" Ohh Hesus, salamat sa buhay na walang hanggan Sa pag-ibig at katapatan Mo magpakailanman Dahil sa'Yo ako ay nagbago Kaya't handa akong mamuhay para sa'Yo Oh Hesus, walang kabuluhan ang buhay ko Kung hindi ako maglilingkod sa'Yo Aanhin ko pa ang yaman sa mundo Kung di ko madadala sa oras na kunin Mo ko Nais kong maglingkod sa'Yo at iproklama ang pangalan Mo Na Ikaw Hesus ang dakilang tagapagligtas ng mundong ito Nais kong ipahayag sa mundo Na Ika'y namatay doon sa krus ng kalbaryo At sabihin sa mga tao ang muli Mong pagkabuhay Na may pag asa kaming makapiling Ka habangbuhay Di ko magagawa ito, kung di ko isusuko Mga pangarap ko at sarili kong plano Ang tanging nais ko Ay masunod ang dakilang plano Mo