Posts

Showing posts with the label tagalog spoken word poetry

Poem about serving God (Tagalog)

Image
    "Nais ko"  Ohh Hesus, salamat sa buhay na walang hanggan  Sa pag-ibig at katapatan Mo magpakailanman  Dahil sa'Yo ako ay nagbago  Kaya't handa akong mamuhay para sa'Yo  Oh Hesus, walang kabuluhan ang buhay ko  Kung hindi ako maglilingkod  sa'Yo  Aanhin ko pa ang yaman sa mundo Kung di ko madadala sa oras na kunin Mo ko  Nais kong maglingkod sa'Yo  at iproklama ang pangalan Mo  Na Ikaw Hesus ang dakilang tagapagligtas ng mundong ito    Nais kong ipahayag sa mundo  Na Ika'y namatay doon sa krus ng kalbaryo  At sabihin sa mga tao ang muli Mong pagkabuhay  Na may pag asa kaming makapiling Ka habangbuhay  Di ko magagawa ito, kung di ko isusuko Mga pangarap ko  at sarili kong plano  Ang tanging nais ko  Ay masunod ang dakilang plano Mo